23M Pinoy nagutom sa quarantine

Umabot sa 23 milyong Pilipino ang nakaranas ng gutom habang naka-quarantine ang bansa dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

The post 23M Pinoy nagutom sa quarantine first appeared on Abante.

23m pinoy nagutom sa quarantine - 23M Pinoy nagutom sa quarantine
abante pinoy 1 - 23M Pinoy nagutom sa quarantine

Umabot sa 23 milyong Pilipino ang nakaranas ng gutom habang naka-quarantine ang bansa dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.

“Mas mabigat po ang naging halaga o danyos ng COVID pagdating sa kagutuman,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang ipagtanggol nito ang plano ng gobyerno na buksan pa ang ekonomiya ng bansa kahit mayroon pang pandemya.

Ayon kay Roque, ipinakita ng economic team, sa pangunguna ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, sa gabinete ang kanilang tantiya sa mga naging epekto ng lockdown sa buhay ng mga Pilipino.

Dahil umano sa economic shutdown, may dagdag na 23.7 milyong nagutom, 4.5 milyong naghirap, at dagdag na 2.3 milyong nawalan ng trabaho.

Ayon din sa kalkulasyon ng economic team, nasa 213,160 ang nasawi sa ibang dahilan mula Enero hanggang Hulyo, kumpara sa 6,449 namatay sanhi ng COVID-19 sa bansa hanggang nitong Oktubre 14.

Sa Pilipinas ang may pinakamahabang lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Nasa ikapitong buwan na ngayon ang mga pinatutupad na quarantine restriction sa bansa.

Inasahan na umano na maraming mahihirap na Pinoy ang mananatiling walang trabaho hanggang sa susunod na taon.

“Ito po ang dahilan kung bakit po inaprubahan noong huling meeting ng gabinete ang bahagya pang pagbukas muli ng ating ekonomiya,” ayon pa kay Roque.

Sinabi rin ng mga eksperto kabilang ang World Health Organization (WHO) na hindi nila hinihikayat ang large-scale lockdown kontra COVID-19 dahil lalo lamang maghihirap ang mamamayan. (Juliet de Loza-Cudia/SDC)

The post 23M Pinoy nagutom sa quarantine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *