22M Pinoy kasado na sa COVAX bakuna

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na aabot sa 20 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ang garantisadong mabibigyan ng bakuna laban sa COVID-19 sa ilalim ng COVAX sa susunod na taon.

The post 22M Pinoy kasado na sa COVAX bakuna first appeared on Abante.

22m pinoy kasado na sa covax bakuna - 22M Pinoy kasado na sa COVAX bakuna
covid vaccine 3 - 22M Pinoy kasado na sa COVAX bakuna

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na aabot sa 20 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ang garantisadong mabibigyan ng bakuna laban sa COVID-19 sa ilalim ng COVAX sa susunod na taon.

Sinabi ni Vergeire na makakakuha ang Pilipinas ng COVID-19 vaccine para sa may 22 milyong tao mula sa COVAX facility sa susunod na taon.

Nalaman na ang COVAX initiative ay isang global collaboration ng mga manufacturers at mga eksperto na naglalayong mapabilis ang pagdebelop, produksiyon at equitable access sa pagsusuri, lunas at bakuna laban sa COVID-19.

“Sa COVAX, we are guaranteed [of a COVID-19 vaccine supply] for 20% of our population, but we won’t get it all at the same time,” ayon kay Vergeire.

Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay nakapag-secure pa lamang ng isang COVID-19 vaccine supply deal na 2.6 milyong doses ng bakuna mula sa British firm AstraZeneca.(Juliet de

Loza-Cudia)

The post 22M Pinoy kasado na sa COVAX bakuna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *