22 Pinay nasagip: Koreano arestado sa prostitusyon

HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying Korean national na umano’y humikayat upang masadlak sa prostitusyon ang 22 Pinay na nagtatrabaho bilang bar girl sa night club na pag-aari ng suspek at pinatatakbo sa Mindanao.

The post 22 Pinay nasagip: Koreano arestado sa prostitusyon appeared first on Abante News Online.

22 pinay nasagip koreano arestado sa prostitusyon - 22 Pinay nasagip: Koreano arestado sa prostitusyon
prostitute - 22 Pinay nasagip: Koreano arestado sa prostitusyon

HAWAK na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying Korean national na umano’y humikayat upang masadlak sa prostitusyon ang 22 Pinay na nagtatrabaho bilang bar girl sa night club na pag-aari ng suspek at pinatatakbo sa Mindanao.

Kinilala ni BI acting intelligence division chief Fortunato Manahan Jr. ang Koreano na si Suc Joo Chang alyas ‘Seok Choi’, na inaresto noong Hunyo 13 sa bureau sa General Santos City, South Cotabato.

Ani Manahan, inaresto ng mga ahente ng BI si Chang sa bisa ng mission order mula kay BI Commissioner Jaime Morente na inilabas matapos kasuhan ang dayuhan dahil sa human trafficking, kasunod ng isang pagsalakay ng pulisya sa kanyang nightclub.

Nabatid na ang 22 kababaihang nasagip ay pinagsasayaw nang hubo’t hubad at nagsasagawa ng malaswa sa entablado para sa mga kostumer.

Kasalukuyang nasa BI holding facility si Chang sa Davao. (Mina Aquino)

The post 22 Pinay nasagip: Koreano arestado sa prostitusyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *