22 ‘ninja cops’ binabantayan ng PNP

Seryoso ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya kontra sa mga ninja cop o ‘yung mga tiwaling pulis na nagre-recycle ng iligal na droga. Patunay ang 22 mga pulis na kanila nga­yong binabantayan dahil sa pag- recycle ng iligal na droga.

22 ninja cops binabantayan ng pnp - 22 ‘ninja cops’ binabantayan ng PNP
ninja cop - 22 ‘ninja cops’ binabantayan ng PNP

Seryoso ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya kontra sa mga ninja cop o ‘yung mga tiwaling pulis na nagre-recycle ng iligal na droga. Patunay ang 22 mga pulis na kanila nga­yong binabantayan dahil sa pag- recycle ng iligal na droga.

Ito ang sinabi ni PNP chief General Oscar Albayalde kahapon sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sabay hingi ng pakiusap sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na panatilihin ang kooperasyon sa isa’t isa para sa pagdakip ng mga nasabing ninja cop.

“I would like to respectfully urge PDEA to respect and maintain inter-agency courtesy and protocols on mutual cooperation, the least PDEA should have done was to inform the PNP so that we could have acted upon the information on alleged cops doing drug recycling,” pahayag ni Albayalde sa kanyang binasang statement.

Sinabi pa ni Albayalde na sa orihinal na 87 na ninja cop ay halos iilan na lang umano ang natitira. Sa ngayon ay may 22 na ninja cop ang kanilang mino-monitor na kinabibilangan ng 19 non-commissioned officer at 3 commission officer, dalawa sa mga ito ay opisyal na may ranggong police major at isang police captain subalit hindi naman binunyag ni Albayalde ang pa­ngalan ng mga ito.

Siniguro naman ni Albayalde ang publiko na seryoso ang PNP sa isinasagawang internal cleansing ng kanilang hanay. Patunay ang pagsampa ng pulis­ya ng kaso sa 8,733 uniformed at non-uniformed personnel na nasangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidad.

(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *