22 mga Pinoy fisherman nakauwi na sa Occidental Mindoro

NAKAUWI na sa kanilang bayan sa Occidental Mindoro ang 22 mangingisdang Pilipino na sinagip ng mga Vietnamese fisherman matapos silang abandonahin ng mga dayuhang tripulante sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine Sea.

The post 22 mga Pinoy fisherman nakauwi na sa Occidental Mindoro appeared first on Abante News Online.

22 mga pinoy fisherman nakauwi na sa occidental mindoro - 22 mga Pinoy fisherman nakauwi na sa Occidental Mindoro
fishermen 1 - 22 mga Pinoy fisherman nakauwi na sa Occidental Mindoro

NAKAUWI na sa kanilang bayan sa Occidental Mindoro ang 22 mangingisdang Pilipino na sinagip ng mga Vietnamese fisherman matapos silang abandonahin ng mga dayuhang tripulante sa Recto Bank sa bahagi ng West Philippine Sea.

Noong Linggo nangyari ang insidente kung saan sinasabing binangga ang sinasakyang F/B GimVer1 ng mga Pinoy na pinalubog ng Chinese fishing vessel. Hindi tinulungan ng mga nakabangga ang mga mangingisda na nalagay sa panganib ang buhay.

Masayang sinalubong ang mga mangi­ngisda ng kanilang mga mahal sa buhay sa San Jose Port sa Occidental Mindoro na ang ilan ay galing pa sa ibang ba­yan. Ang mga sundalo ng Philippine Navy ang sumundo sa mga mangi­ngisda.

Nanawagan sa pamahalaan ang mga pamilya na bigyan sila ng tulong lalo pa’t pa­ngingisda lamang ang kanilang ikinabubuhay.

The post 22 mga Pinoy fisherman nakauwi na sa Occidental Mindoro appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *