21 simbahan winasak ng lindol, ayos na

Nasa 25 na simbahan sa Diocese of Tagbilaran sa Bohol na ginupo ng magnitude 7.2 na lindol pitong taon na ang nakalipas ang naayos na.

The post 21 simbahan winasak ng lindol, ayos na first appeared on Abante.

21 simbahan winasak ng lindol ayos na - 21 simbahan winasak ng lindol, ayos na
Diocese of Tagbilaran - 21 simbahan winasak ng lindol, ayos na

Nasa 25 na simbahan sa Diocese of Tagbilaran sa Bohol na ginupo ng magnitude 7.2 na lindol pitong taon na ang nakalipas ang naayos na.

Ayon kay Fr. Milan Ted Torralba, ng diocese’s Commission for the Cultural Heritage, ang mga simbahan na na-restore ay matatagpuan sa mga bayan ng Baclayon, Alburquerque, Loay, Dimiao, Dauis, Panglao, Cortes, Valencia, Garcia-Hernandez, Tubigon, Balilihan, Corella, Clarin, Calape, Lila, Sikatuna, Catigbian, Sevilla, Sagbayan, Batuan at Tagbilaran.

Aniya, natapos na rin dapat ang pagkukumpuni sa apat pa sa mga parokya ng Loboc, Maribojoc, Loon at Antequera nitong taon kung hindi lang tumama ang coronavirus disease pandemic.

Dagdag ni Fr. Torralba, ang plano ay maayos na lahat ng mga nasirang simbahan nitong taon para sa 500th anniversary ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa susunod na taon.

“But the pace went slow because of the pandemic so they move the date to next year,” aniya sa article na naka-post sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines news website kahapon. (PNA)

The post 21 simbahan winasak ng lindol, ayos na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *