21-anyos kinulong sa pagmumura, panununtok sa pulis

jailed4

Arestado ang isang binata nang palagan, murahin at suntukin ang dalawang pulis na nagpaalis sa una sa pagkakaupo sa motorsiklo ng parak sa Caloocan City, Biyernes nang hatinggabi.

21 anyos kinulong sa pagmumura panununtok sa pulis - 21-anyos kinulong sa pagmumura, panununtok sa pulis
jailed4 - 21-anyos kinulong sa pagmumura, panununtok sa pulis

Arestado ang isang binata nang palagan, murahin at suntukin ang dalawang pulis na nagpaalis sa una sa pagkakaupo sa motorsiklo ng parak sa Caloocan City, Biyernes nang hatinggabi.

Kinilala ang suspek na si Reymark Valerio, 21-anyos, nakatira sa Phase 5, Package 5, Block 14 Lot 2, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, bandang alas-11:30 nang gabi, nang mangyari ang insidente sa parking lot ng Metro Plaza sa Phase 5, Barangay 176.

Nagpapatrulya sa lugar sina Pat. Jayson Dayag at Pat. Wilson Pepito, mga nakadestino sa Police Community Precinct (PCP) 3 ng Caloocan Police at nagtungo ang mga ito sa parking lot.

Nakita ni Pat. Dayag si Valerio na nakaupo sa nakaparada niyang motorsiklo kaya naman pinaalis niya ito.

Nagalit daw ang suspek at binuntal siya ng suspek pero sa kanang kamay lang ito tinamaan.

Umawat umano si Pat. Pepito pero sinabihan siya ni Valerio ng “P…….Ina mo, isa ka pa papatayin ko pamilya mo eh!”

Dahil dito, pinosasan ng dalawang pulis ang suspek at dinala sa presinto saka kinasuhan ng physical injury at direct assault (two counts).
“Medyo nakainom eh at napakabastos,” ani Pat. Da­yag. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *