2021 budget pipirmahan sa Dec 28 – Roque

Itinakda ng Malacañang sa December 28 ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P4.5 Trillion 2021 national budget.

The post 2021 budget pipirmahan sa Dec 28 – Roque first appeared on Abante.

2021 budget pipirmahan sa dec 28 roque - 2021 budget pipirmahan sa Dec 28 – Roque
abante harry roque 1 - 2021 budget pipirmahan sa Dec 28 – Roque

Itinakda ng Malacañang sa December 28 ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P4.5 Trillion 2021 national budget.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa hinihintay na paglagda sa 2021 General Appropriations Act.

Gagawin aniya ang ceremonial signing sa Malacañang of the South dahil nasa Davao City si Pangulong Duterte.

“Ang alam ko po, ang pagpirma ng budget ay sa 28. Meron po kasing sinabjng petsa ang ating Senate President pero kahapon po nilinaw na 28 ang pirmahan at yan ay gagawin sa Davao,” ani Roque.

Inaasahang sasaksihan ng mga opisyal ng gobyerno, partkular ng mga miyembro ng gabinete, mga senador at kongresista at iba pang matataas na opisyal ang ceremonial signing ng national budget. (Aileen Taliping)

The post 2021 budget pipirmahan sa Dec 28 – Roque first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *