2021 budget maipapasa ng Oktubre

POSITIBO si House Appropriation Chairman Cong. Eric Yap, ng ACT-CIS party-list na maipapasa ng mababang kapulungan ang 2021 national budget bago mag-Nobyembre.

The post 2021 budget maipapasa ng Oktubre first appeared on Abante.

2021 budget maipapasa ng oktubre - 2021 budget maipapasa ng Oktubre
abante budget - 2021 budget maipapasa ng Oktubre

POSITIBO si House Appropriation Chairman Cong. Eric Yap, ng ACT-CIS party-list na maipapasa ng mababang kapulungan ang 2021 national budget bago mag-Nobyembre.

Sinabi ni Cong. Yap na, “malinaw ang gusto ng pangulong Rodrigo Duterte na maipasa namin ang budget para madala na ito sa senado bago mag-Nobyembre”.

Nagpatawag ng special session ang Pangulong Digong simula Oktubre 13 hanggang 16, ng kasalukuyang buwan para talakayin maaprubahan ang budget para sa susunod na taon.

Matatandaan na biglang na-adjourn ang sesyon sa kongreso dahil sa isyu ng House Speakership, sa pagitan ni Speaker Allan Peter Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco.

“Sisiguruhin ko na papasa ang 2021 budget sa kongreso this month at maipapadala namin ito sa senate on or before first week ng November,” pagtiyak naman ni Cong. Yap.

“Alam ko na may problem ngayon sa Congress, rest assured na tatapusin namin ang usapin sa budget very soon,” hirit pa ng mambabatas.

The post 2021 budget maipapasa ng Oktubre first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *