2021 budget areglado bago Pasko – Malacanang

Kumpiyansa ang mga opisyal ng Malacañang na mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 national Budget bago sumapit ang pasko.

The post 2021 budget areglado bago Pasko – Malacanang first appeared on Abante.

2021 budget areglado bago pasko malacanang - 2021 budget areglado bago Pasko – Malacanang
abante 2021 budget - 2021 budget areglado bago Pasko – Malacanang

Kumpiyansa ang mga opisyal ng Malacañang na mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 national Budget bago sumapit ang pasko.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kahit hindi pa natanggap ng Office of the President (OP) ang enrolled bill ng 2021 General Appropriations Act.

Ayon kay Roque, mayroon aniya siyang source na mapipirmahan sa takdang panahon ang pambansang budget kaya walang pangambang gagamit ng re-enacted budget sa unang araw ng Enero.

“Mayroon po sa akin nagsabi, pero ayaw ko muna pong i-identify. Pero kampante po na kung maisa-submit nga kung kailan ipinangako ng Kongreso iyong budget eh hindi naman po aabot ng Pasko at mapipirmahan na yan ng Presidente ” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na kahit hindi pa nakarating sa lamesa ni Pangulong Duterte ang enrolled bill ay nakakuha na ng advance copy si Budget Secretary Wendel Avisado.

“Ang sabi sa akin ni Secretary Wendel, nakakuha siya ng advance copy at maski hindi pa formally submitted ay napag-aralan na at medyo alam na ng DBM kung ano iyong line items na posibleng i-veto ng Presidente,” dagdag ni Roque.

Pinaplano na aniya ang ceremonial signing ng 2021 budget bago mag-pasko. (Aileen Taliping)

The post 2021 budget areglado bago Pasko – Malacanang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *