200,000 pinalikas sa Luzon

Mahigit 200,000 katao ang pinag-utos na lumikas sa kani-kanilang mga bahay nitong Sabado sa Luzon isang araw bago ang pag-landfall ng pinakamalakas na bagyo ngayong taon na si “Rolly”.

The post 200,000 pinalikas sa Luzon first appeared on Abante.

200000 pinalikas sa luzon - 200,000 pinalikas sa Luzon
luzon - 200,000 pinalikas sa Luzon

Mahigit 200,000 katao ang pinag-utos na lumikas sa kani-kanilang mga bahay nitong Sabado sa Luzon isang araw bago ang pag-landfall ng pinakamalakas na bagyo ngayong taon na si “Rolly”.

Mabagsik ang bagyong si Rolly na ikinukunsiderang pinakamalakas na bagyong tumama sa Southeast Asian ngayong 2020.

Kasabay nito ay nagbabala ang mga awtoridad ng nakasisirang hangin at storm surges ang hatid ni Rolly.

Inaasahang magdudulot ng pinsala ang bagyong Rolly sa timog-silangan ng Luzon sa Linggo bago mag-landfall sa hapon dala ang lakas ng hangin na 205 kph.

Sinasabing mas malakas ang bagyong Rolly kesa sa nagdaang bagyong Quinta na kumitil ng 22 katao sa nasabing rehiyon.

Ito rin ang nagbadya para iutos ang malawakang evacuation sa mga lugar na hahagupitin ni ‘Rolly.’

Ito ayon pa sa ulat ang pinakamalakas na bagyong tatama sa Pilipinas mula nang humagupit ang bagyong Yolanda noong 2013 na kumitil sa buhay na mahigit sa 6,000.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal No. 3 sa Catanduanes at marami pang lugar ang isasailalim rin sa signal no 3 kasabay ng pagpapanatili ng lakas ng bagyong Rolly’, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Alas- 2:00 ng hapon kahapon ay nasa signal number 3 rin ang mga sumusunod: Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Tigaon, Sagnay, San Jose, Lagonoy, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay), at ilang bahagi ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu).

Namataan si “Rolly” sa layong 410 km. east-northeast ng Virac, Catanduanes at patungo sa direksyong west-southwestward sa lakas na 15 kph.

Mayroon din itong maximum sustained winds na 215 kph malapit sa gitna at gustiness na hanggang 265 kph.

Ayon kay Ariel Rojas ng Pagasa ang Catanduanes at iba pang lugar na nasa signal number 3 ay kailangang mag-ingat dahil sa posibleng pinsalang hatid nito partikular sa mga istraktura.

Nararanasan ang mapaminsalang hangin na hatid ng bagyo kapag nasa ilalim ng signal no. 3.

Ganito rin ang pananaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang paghagupit ng bagyong Rolly.

“Malawak na pinsala ang makikita natin kung mangyayari ito, kahit na hindi siya mag-super typhoon,” sinabi ni NDRRMC Administrator undersecretary Ricardo Jalad.

“Asahan natin ang heavy to very heavy damage doon sa lugar na kaniyang dadaanan,” dagdag niya.

Kasalukuyang nagsasagawa ng mga pre-emptive evacuation ang NDRRMC katuwang ang mga local government units (LGUs).

Linggo ng umaga ay makararanas ng “heavy to intense” na ulan sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, Central Luzon, Marinduque, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Bagamat may 2 bagyo na papasok sa PAR ay hindi umano magkakaroon ng Fujiwhara effect o ang pangyayari na ang dalawang bagyo ay naghihilahan gaya ng seesaw-like motion. (Issa Santiago/Kiko Cueto/Tina Mendoza)

The post 200,000 pinalikas sa Luzon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *