20 pulis-Rizal sinibak sa pagkamatay ng 3-anyos sa drug ops

11 chief of police sa Ilocos Norte sinabon

TANGGAL sa pwesto ang chief of police ng Rodriguez Rizal Municipal Police Station (MPS) ba si Police Lieutenant Colonel Resty Damaso at 19 pang tauhan nito kasunod ng pagkamatay ng 3-anyos na batang babae sa buy-bust o-peration noong Sabado.

The post 20 pulis-Rizal sinibak sa pagkamatay ng 3-anyos sa drug ops appeared first on Abante News Online.

20 pulis rizal sinibak sa pagkamatay ng 3 anyos sa drug ops - 20 pulis-Rizal sinibak sa pagkamatay ng 3-anyos sa drug ops
pulis 2 - 20 pulis-Rizal sinibak sa pagkamatay ng 3-anyos sa drug ops

TANGGAL sa pwesto ang chief of police ng Rodriguez Rizal Municipal Police Station (MPS) ba si Police Lieutenant Colonel Resty Damaso at 19 pang tauhan nito kasunod ng pagkamatay ng 3-anyos na batang babae sa buy-bust o-peration noong Sabado.

Ayon kay Police Regional Office 4-A Director, P/ Brig. Gen. Edgard Carranza, si Damaso at ang kanyang mga tauhan, kasama pa ang 6 na pulis mula sa Provincial Intelligence unit at pansamantalang ililipat sa administrative o­ffice and holding unit ng Rizal Provincial Police Office.

Para umano mabigyang daan ang patas na imbestigasyon sa pagkamatay ni Kaitleen Myca Ulpina, na ginawa diumanong human shield ng napatay ding drug suspek na si Renato Ulpina nang manlaban umano ito sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon noong Hunyo 30.

Inatasan na rin ni Carranza ang mga ni-relieve na pulis na isuko ang kanilang mga baril para maisailalim sa ballistic test nang malaman kung sino ang nakabaril sa bata.

Sa naturang operasyon, namatay din ang isang pulis na si P/SMS. Conrado Cabiga, na binaril ng drug suspek sa leeg.

Ayon sa asawa ng suspek, walang naga-nap na buy-bust opera-tion at bigla lamang diumanong pumasok sa bahay nila ang mga pulis.

Pero nanindigan ang pulisya na lehitimong operasyon ang kanilang isinagawa na kung saan ay target nilang hulihin si Ulpina at kasabwat nito na napag-alamang pawang miyembro ng gun for hire, sangkot sa carnapping at pagbebenta ng iligal na droga. (Edwin Balasa/Vick Aquino)

The post 20 pulis-Rizal sinibak sa pagkamatay ng 3-anyos sa drug ops appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *