20 PCSO exec kakalkalin ang yaman

WALANG lusot sa lifestyle check ang mga dati at retiradong opisyal ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) bunsod ng umano’y malawak na kurakutan sa loob ng ahensya.

20 pcso exec kakalkalin ang yaman - 20 PCSO exec kakalkalin ang yaman
abante PCSO - 20 PCSO exec kakalkalin ang yaman

WALANG lusot sa lifestyle check ang mga dati at retiradong opisyal ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) bunsod ng umano’y malawak na kurakutan sa loob ng ahensya.

Inihayag ito ni Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kasunod ng ilalargang lifestyle check sa tinatayang 13-20 na mga opisyal ng ahensiya kaugnay sa umano’y mga anomalya sa PCSO.

Sinabi ni Belgica na may mga nagretiro na sa isasailalim sa lifestyle check, subalit karamihan sa mga target ng imbestigasyon ay kasalukuyan pa ring nasa ahensiya.

“Some of them have retired, but most of them are still with the PCSO. This is a lifestyle check, this is separate from the ongoing investigation. It starts from the top down tomthe technical person since 2016,” ani Belgica.

Magsisimula aniya ang lifestyle check sa statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng mga iim­bestigahang opisyal para makita kung ang kita at ari-arian ng mga ito ay angkop sa lifestyle ng mga opisyal.

Sinabi ni Belgica na hindi mahirap mag-lifestyle check dahil ang mga dokumentong kailangan ay madaling ma-access gayunman, hindi masabi ng opisyal kung kailan matatapos ito dahil sa dami ng mga dokumentong kanilang bubusisiin. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *