20 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Las Piñas

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng matitirhan matapos tupukin ng apoy ang 15 na bahay sa Barangay CAA, Las Piñas City nitong Huwebes ng madaling-araw.

20 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa las pinas - 20 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Las Piñas
sunog 4 - 20 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa Las Piñas

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng matitirhan matapos tupukin ng apoy ang 15 na bahay sa Barangay CAA, Las Piñas City nitong Huwebes ng madaling-araw.

Ayon kay Las Piñas City Fire Marshal Arthur Sawate, posibleng napabayaang kandila umano ang naging sanhi ng sunog mula sa bahay ng nagngangalang Ramon Pasagi pasado alas-2:00 ng madaling-araw.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit ang mga bahay na pawang gawa sa light materials at umabot sa ikatlong alarma.

Dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang tuluyang maapula ang apoy.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection upang mabatid ang tunay na naging sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog. (armida d. rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *