20% pagsirit sa kita naitala ng Petron

NAKAPAGTALA ng pagtaas sa benta at kita ang Petron Freeport Corporation (PFC), na kabilang sa sangay ng Petron Corporation, para unang anim na buwan ng taon.

20 pagsirit sa kita naitala ng petron - 20% pagsirit sa kita naitala ng Petron
ABANTE Petron - 20% pagsirit sa kita naitala ng Petron

NAKAPAGTALA ng pagtaas sa benta at kita ang Petron Freeport Corporation (PFC), na kabilang sa sangay ng Petron Corporation, para unang anim na buwan ng taon.

Mula Enero hanggang Hunyo 2019, nairehistro ng kompanya ang 14% pag-angat sa kanilang sales volume na nasa 10.5 milyong litro habang ang kanilang kita ay tumaas naman ng 20% sa P48.7 milyon.

Matatagpuan ang PFC sa loob ng Subic Freeport Zone kung saan ang mga kaparehong kompanya ay hindi saklaw ng pagbaba­yad ng tax.

Patunay lang umano ito na kahit sa isang lugar kung saan mara­ming kompanya ang nagkokompetensya, kaya pa rin umanong kumita. Gayunman, kahit pa tumaas ang Subic station ng PFC, bumaba naman umano ang domestic volume ng pa­rent company nito na Petron.

Pinahihintulan ng Subic Freeport ang maayos na kompetisyon, kung saan ang mga kompanya ay nagbibigay nang halos magkakaparehong presyo sa kanilang produkto.

Habang sa labas ng free port zone, nakapagtala ng nasa P10-P15 kada litro ng pagkakaiba sa retail price. Posibleng indikasyon na patuloy pa diumano ang pag-agos ng smuggled na langis sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa Petron, patuloy nitong gagawin ang mga hakbang para makapagbigay ng de-kalidad na produktong petrolyo sa kanilang mga consumer at susunod sa mga batas para sa koleksyon ng tax.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *