20 labo-labo sa SC associate justice

Sinimulan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang paggisa sa higit 20 aplikante na nag-aasam na maging associate justice ng Korte Suprema.

20 labo labo sa sc associate justice - 20 labo-labo sa SC associate justice
Supreme court - 20 labo-labo sa SC associate justice

Sinimulan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang paggisa sa higit 20 aplikante na nag-aasam na maging associate justice ng Korte Suprema.

Ito ay para palitan ang nalalapit na pagreretiro ni Associate Justice Francis Jardeleza sa Setyembre 26, 2019 at Senior Associate Justice Antonio Carpio sa darating na Oktubre 26.

Kahapon ang unang araw ng pagsala kung saan ay anim na aplikante ang sumailalim sa public interview ng lupon ng JBC sa pamumuno ng chairman nito na si Chief Justice Lucas Bersamin habang mga ex-officio member sina Senator Richard Gordon at Justice Secretary Menardo Guevarra.

Kabilang sa 20 na sasailalim sa panayam ng JBC ay sina Atty. Carlos Espero; Court of Appeals Justice Samuel Gaerlan; Sandiganbayan Justice Oscar Herrera Jr.; Court of Appeals Justice Edgardo Lloren;
Court of Appeals Justice Edwin Sorongon at Philippine Ambassador to Geneva Manuel Antonio Teehankee.

Mayroon ding public panel interview sa Setyembre 9, 10 at 11, kung kailan sasalang ang iba pang mga kandidato para sa susunod na SC associate justice. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *