20-20-20 economic goals, kailangan nang ilatag

Seryosong hinihimok ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang gobyernong Duterte na ilatag na ang malinaw na mga hakbang kaugnay sa tinatawag niyang “20-20-20 do-or-die economic goals” ng Pilipinas para makasabay ito sa iba pang mga bansa sa parating na bagong dekada.

The post 20-20-20 economic goals, kailangan nang ilatag first appeared on Abante.

20 20 20 economic goals kailangan nang ilatag - 20-20-20 economic goals, kailangan nang ilatag
ncr - 20-20-20 economic goals, kailangan nang ilatag

Seryosong hinihimok ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang gobyernong Duterte na ilatag na ang malinaw na mga hakbang kaugnay sa tinatawag niyang “20-20-20 do-or-die economic goals” ng Pilipinas para makasabay ito sa iba pang mga bansa sa parating na bagong dekada.

Importante umanong maiposisyon na ang “20-20-20” target ng bansa bago matapos ang taon.

Ang pangalan ng proyekto ay hango sa mga sumusunod: ‘20% corporate income tax,’ 20 milyong bago at mataas na antas ng trabaho sa susunod 10 taon, at US$20 bilyong ‘Foreign Direct Investments’ o dayuhang pamumuhunan sa bansa taun-taon.

“Ito ang pinakamababang dapat matamo ng bansa dahil kritikal sila sa makabagong ‘globalized economy’ kung saan higit na matindi ang kumpetisyon.

Kung hindi natin matatamo ang mga target na ito, kalimutan na matin ang ambisyong mapataas ang antas ng ating pambansang ekonomiya,” punto ni Salceda.

Ang pagsasabatas ng matagal nang naantalang ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act’ na magbibigay ng $20-bilyong FDI ang pinakamadaling maisasagawa.

Malaki rin ang maitutulong nito para mapababa sa 20% ang ‘corporate income tax’ (CIT) sa 2027.

Para kay Salceda, hindi rin ito dapat mahiwalay sa mga ‘fiscal incentives’ para sa dayuhang mga mamumuhunan, na ang matagal na pagka-antala ay siyang dahilan ng kabiguan ng inaasahang $20-bilyong taunang FDI.

Sinabi ng ekonomistang mambabatas na, “lubhang kailangan natin ang mga ito, lalo na ang malakihang mga FDI kaya dapat magdesisyon at kumilos tayo. Madaling matupad ang target na $20-bilyong FDI o higit pa lalo na ngayong higit na tumitindi at umiinit ang awayan ng China at US sa negosyo.”

The post 20-20-20 economic goals, kailangan nang ilatag first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *