2- year probi barado kay Sotto

KONTRA si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa panukalang batas na inihain sa Kamara para gawing dalawang taon ang probation period ng mga bagong empleyado mula sa anim na buwan lamang.

2 year probi barado kay sotto - 2- year probi barado kay Sotto
sotto 5 - 2- year probi barado kay Sotto

KONTRA si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa panukalang batas na inihain sa Kamara para gawing dalawang taon ang probation period ng mga bagong empleyado mula sa anim na buwan lamang.

“Hindi tama yun. Kung tutuusin isang buwan ka lang nagtatrabaho o dalawang buwan alam mo kung kumplikado o hindi,” paliwanag ni Sotto.

Base sa House Bill No. 4802 ni Probinsyano Ako Party-list Rep. Jose Singson Jr., kailangan daw ang mahabang probation period upang masala kung talagang kuwa­lipikado sa trabaho ang isang empleyado.

“In every state of the development, the probationary employee must satisfy a set of standards to qualify. These processes demand more time, which in a lot of cases takes more than six months,” paliwanag pa ng kongresista.

Nakabinbin pa sa House Committee on Labor and Employment ang panukala.

Sakaling aprubahan sa Kamara at makarating sa Senado, sinabi ni Sotto na isa siya sa kokontra sa nasabing panukala.

“Ewan ko kung ipipilit pero sa akin di ako pabor,” diin ni Sotto.
Maging si Labor Secretary Silvestre Bello, hindi pabor sa panukalang batas ni Singson.

“I don’t think it’s necessary for a worker to undergo a probationary period of two years for an employer to determine his qualification. Six months is enough,” ani ni Bello.

Salungat umano ang panukalang batas sa polisiya ng administrasyon na itulak ang job security ng mga manggagawa.

“Delaying a worker’s assurance of permanent employment is no longer in keeping with the administration’s policy on security of tenure,” paliwanag ng kalihim.

Magpapalala lang umano ito sa problema ng ‘endo’ o ang iligal na contractualization.

Sa ilalim ng batas, ang isang manggagawa ay binibigyan lang ng anim na buwang probationary period bago maituring na regu­lar na empleyado.

Upang makaiwas sa batas na ito, mara­ming empleyado ang pinagtatrabaho lamang­ ng limang buwan bago isyuhan ng end of contract.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *