2 vendor, 1 pa huli sa shabu

BUKING ang dalawang vendor na nagbebenta ng shabu bukod sa kanilang panindang pagkain sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa nang gabi sa may Gate 54 Parola Compound, Binondo, Maynila.

The post 2 vendor, 1 pa huli sa shabu appeared first on Abante News Online.

2 vendor 1 pa huli sa shabu - 2 vendor, 1 pa huli sa shabu
shabu11 - 2 vendor, 1 pa huli sa shabu

BUKING ang dalawang vendor na nagbebenta ng shabu bukod sa kanilang panindang pagkain sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa nang gabi sa may Gate 54 Parola Compound, Binondo, Maynila.

Nasa kustodiya ng Manila Police District-Police Station 11 ang mga suspek na sina Carlo Ribo, 36, taga Flores St., Solis, Tondo Maynila; Mary Jane De Mesa, alyas Jen, 38, ng Nagpayong, Pinagbuhatan, Pasig at Anna Chua, 43, taga Adriatico St., Malate Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Sec.5 at 12 ng RA 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor Office ang mga suspek.

Nabatid na nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya sa iligal na gawain ng mga suspek kaya nagkasa ng buy-bust operation.

Nagawa umano ni PCpl. Jo Christian Isidro na makabili ng shabu kay Ribo at sa kanyang mga kasama dahilan para maaresto ang tatlo.

Nakuha sa mga suspek ang 20 sachet ng shabu at P500 buy-bust money sa kulay gray na pouch ni Ribo. ­(Juliet de Loza-Cudia)

The post 2 vendor, 1 pa huli sa shabu appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *