2 utol ng Jolo twin bombing suspect dedo sa engkuwentro

Napatay ng militar ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos mapalubog ang sinasakyan ng mga itong speedboat na gagamitin sana sa pangingidnap sa Sulu Sea.

The post 2 utol ng Jolo twin bombing suspect dedo sa engkuwentro first appeared on Abante.

2 utol ng jolo twin bombing suspect dedo sa engkuwentro - 2 utol ng Jolo twin bombing suspect dedo sa engkuwentro
abante sulu bombing - 2 utol ng Jolo twin bombing suspect dedo sa engkuwentro

Napatay ng militar ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) matapos mapalubog ang sinasakyan ng mga itong speedboat na gagamitin sana sa pangingidnap sa Sulu Sea.

“At 2:15 AM today, Nov. 3, 2020, troops of Joint Task Force(JTF) Sulu intercepted and killed seven Abu Sayyaf Group kidnappers aboard a twin engine speedboat at the open waters of Sulu Sea near Sulare Island, Parang, Sulu,” sabi ni JTF Sulu commander MGen. William Gonzales.

Sinabi ni Gonzales na naganap ang insidente habang nagsasagawa sila ng joint operation gamit ang Agusta attack helicopter ng Philippine Air Force at multi-purpose attack craft ng Philippine Navy sakay ang mga Scout Ranger at Special Forces.

Kabilang sa mga napatay sina Madsmar at Mannul Sawadjaan, na mga kapatid umano ng bomb expert na si Mundi Sawadjaan, at limang iba pang hindi pa nakikilalang ASG member.

Si Mundi Sawadjaan ang umano’y mastermind sa kambal na pagpapasabog sa Jolo, Sulu noong Agosto na kumitil sa 14 katao at nakasugat sa 75 iba pa.

Samantala, nadakip naman si Abu Amara, sinasabing pumalit sa napatay na ASG senior leader na si Hajan Sawadjaan bilang emir.

“Retrieval operations of the sank speedboat and cadavers of ASG member are currently ongoing,” lahad ni Gonzales.

Ayon naman kay WestMinCom commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., nagkaroon muna ng palitan ng putok bago napatay at napalubog ang speedboat ng mga rebelde. (Kiko Cueto)

The post 2 utol ng Jolo twin bombing suspect dedo sa engkuwentro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *