2 tsuper na sabit sa rape, child abuse kalaboso

LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang dala­wang driver, isang sangkot sa panggagahasa at isang nang-abuso ng bata, nang isagawa ang magkahiwalay na operasyon sa Bulacan kamakalawa.

2 tsuper na sabit sa rape child abuse kalaboso - 2 tsuper na sabit sa rape, child abuse kalaboso
Abante kulong - 2 tsuper na sabit sa rape, child abuse kalaboso

LAGLAG sa kamay ng mga awtoridad ang dala­wang driver, isang sangkot sa panggagahasa at isang nang-abuso ng bata, nang isagawa ang magkahiwalay na operasyon sa Bulacan kamakalawa.

Sa ulat kay P/Col. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Police, unang naaresto si Jessie Ravecencio, 35, tricycle driver at residente ng Purok 2, Barangay Bambang, Bulakan, Bulacan.

Nadakip si Ravecencio sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. San Jose, Bulakan sa kasong rape sa kanyang kapitbahay na walang inirekomendang piyansa.

Naaresto naman ng tracker team ng Bustos Police si Ramon Musa y Ferrer, 39-anyos, truck driver, sa kanyang pinagtataguan sa Sitio Ibayo, Brgy. Liciada, Bustos, Bulacan.

Nakalistang No. 9 Most Wanted sa Bustos si Musa na wanted sa paglabag sa RA 7610 Sec 5b (Child Abuse Law) na may piyansang P200,000 para sa pansamantalang paglaya. (Jun Borlongan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *