2 truck naaksidente sa Benguet, 4 nadale

TODAS ang isang 16-anyos na babae habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang truck sa magkahiwalay ng lugar sa Tuba, Benguet, kamakalawa nang gabi.

2 truck naaksidente sa benguet 4 nadale - 2 truck naaksidente sa Benguet, 4 nadale
ABANTE taba benguet - 2 truck naaksidente sa Benguet, 4 nadale

TODAS ang isang 16-anyos na babae habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang truck sa magkahiwalay ng lugar sa Tuba, Benguet, kamakalawa nang gabi.

Nangyari ang unang insidente sa may Kennon Road, Camp 2, sa nasabing bayan na kung saan namatay ang 16-anyos na babae na hindi na pina­ngalanan dahil menor-de-edad ito, at taga-Manyakan, Benguet.

Ayon sa Tuba Police Station (TPS), may iniwasang kasalubong na sasak­yan ang drayber ng dump truck na sinasakyan ng biktima kaya bumangga ito sa poste at saka tumama sa concrete barrier sa Kennon Road sa Camp 2.

Dito, tumilapon sa bangin ang biktimang babae na nakisakay lang daw ito sa dump truck na papunta sa Barangay Camp 1.

Kinailangan pa ng rescue unit para makuha ang bangkay ng dalagita sa bangin na tinatayang nasa 100 talampakan ang lalim.

Nagtamo naman ng sugat ang 35, na drayber na residente ng Isabela at 43, na pahinante nito mula sa Tublay, Benguet.

Nagpapagaling pa sa ospital ang pahinante habang nasa kustodiya na ng pulis ang drayber.

Samanta, inoobserbahan na nga­yon sa ospital ang mag-amang sina Lupito Pio Sato, 64, truck driver at anak nitong si Isaac Sato, na parehong nasugatan matapos matumba ang sinasakyan nilang garbage truck sa Taloy Sur, Tuba sa nasabing lalawigan.

Ayon kay TPS commander PMaj. James Acod, pababa ang nasabing truck na may plakang RHS-763 na minamaneho ni Lupito nang biglang mawalan ng preno.

Nagresulta ito sa pagbangga ng truck sa isa pang 10-wheeler truck bago natumba kung saan nabangga pa nito ang isang kotse na pag-aari ng Bureau of Food and Aquatic Resources­-Cordillera (BFAR-Cor).

Agad dinala sa pagamutan ang mag-ama na parehong nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Nagpaalala ang mga pulis sa mga motorista sa pag-iingat ng mga ito lalo na at nararanasan ang zero visi­bility sa mga kalsada sa Benguet at Baguio dahil sa kapal ng hamog at madulas na mga kalsada dahil sa patuloy na nararanasang malakas na pag-ulan. (Allan Begornia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *