2 tiklo sa pagsira ng mga ₱10 barya

INARESTO ng mga ope­ratiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang katao sa Real, Quezon dahil sa pagsisira ng P10 barya.

The post 2 tiklo sa pagsira ng mga ₱10 barya appeared first on Abante News Online.

2 tiklo sa pagsira ng mga e282b110 barya - 2 tiklo sa pagsira ng mga ₱10 barya
abante PESO - 2 tiklo sa pagsira ng mga ₱10 barya

INARESTO ng mga ope­ratiba ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang katao sa Real, Quezon dahil sa pagsisira ng P10 barya.

Ayon sa BSP, nahuli sa akto si Ronni Espi­ritu na nagwawasak ng P10 barya para kuhain ang kulay ginto sa gitna nito. Ang P10 barya ay kasama ng 2001 BSP coin series. Inaresto rin ang kasama ni Espiritu na si Rodolfo Corral.

Nalaman ng BSP ang pagsisira ng barya nina Corral at Espiritu dahil nag-upload pa ang huli sa kanyang Facebook page nitong Enero ng video na nagpapakita ng kanilang pagsira ng pera. Naging viral ang video at umabot ito sa mga awtoridad kaya sila tinugis.

Ayon sa Republic Act No. 7653, maari ang BSP mag-imbestiga, mag-aresto, magsagawa ng search at magkum­piska sang-ayon sa batas para mapanga­lagaan ang integridad ng piso. Pinagbabawal naman ng Presidential Decree No. 247 ang paninira, pamumunit, pagsusunog ng perang papel o coins. Bawal din ang pag-dedeface o ang pagbababoy sa pera para mag-iba ang itsura nito tulad ng pag susulat o pagdrodrowing sa perang papel o pagkukuping ng barya.

Kinasuhan ang dala­wa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lucena City.
Sina Coral at Espiritu ay nahuli sa akto noong Marso 14 sa joint operation ng Currency Management Sector ng BSP at ng Lucena District Office ng NBI.

Nagbababala ang BSP sa publiko noong Pebrero 19 laban sa defacement, mutilation, at pagsira o pagsunog ng Philippine banknotes. Ang kaparusahan para sa paggawa ng mga ito ay multang P20,000 at limang taon pagkakakulong. (Eileen Mencias)

The post 2 tiklo sa pagsira ng mga ₱10 barya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *