2 suspek sa Negros cop slay timbog

NAARESTO ng pulisya nitong Sabado ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) na sinasabing responsable sa pag-torture at brutal na pamamaslang sa apat na pulis sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental noong Hulyo 18 ng taong kasalukuyan.

2 suspek sa negros cop slay timbog - 2 suspek sa Negros cop slay timbog
Abante kulong - 2 suspek sa Negros cop slay timbog

NAARESTO ng pulisya nitong Sabado ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) na sinasabing responsable sa pag-torture at brutal na pamamaslang sa apat na pulis sa bayan ng Ayungon, Negros Oriental noong Hulyo 18 ng taong kasalukuyan.

Sa ulat na ipinadala ng Police Regional Office (PRO) 7 kahapon, nagsagawa ng Joint Combat Operation ang pulisya at sundalo dakong alas-12:00 nang tanghali nitong Sabado sa Sitio Sook, Barangay Mabato, Negros Oriental dahilan ng pagkakaaresto ng isang suspek na nakila­lang si Jojo Torres Ogatis, 19, nakuha sa kanya ang baril at pampasabog.

Si Ogatis ay positibong itinuro ng mga saksi na isa sa mga NPA na nagpahirap at pumaslang sa apat na pulis noong Hulyo 18 sa Sitio Yamot, Brgy. Mabato sa bayan ng Ayungon ng lalawigang ito.

Sa isinagawang interogasyon, isa pang suspek ang itinuro ni Ogatis na responsable rin umano sa brutal na pamamaslang sa apat na pulis subalit sa ngayon ay hindi pa inilalabas ang pangalan nito.

Sa ngayon ang dalawang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa 704th MC RMFB7 Mabinay, Negros Oriental para sa desposisyon habang hinihintay ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanila.

Ayon naman kay Brig. General Bernard Banac, tagapagsalita ng Phi­lippine National Police (PNP), ang pagkakadakip sa dalawang NPA na kabilang sa mga suspek sa pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental ay maituturing na ‘positive development’ sa ginagawang imbestigasyon sa kaso.

“This is a positive development in the investigation, so that all the perpetrators will be brought to justice,” pahayag ni Banac.

Siniguro rin nito na patuloy ang ginagawang manhunt operation ng pulisya para madakip ang iba pang suspek na responsable sa pagpatay sa apat na pulis.

Matatandaang nag-alok pa si Pangulong Duterte ng P5 mil­yong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga suspek sa pagtortyur at pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *