2 ‘Spider-man’ sa Divisoria, huli

2 ‘Spider-man’ sa Divisoria, huli

LAGLAG sa puwersa ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang dala­wang lalaki na aktong nagkakabit ng iligal na linya ng kuryente o tinatawag ding pag-spider-man o pag-jumper, sa Divisoria, Maynila.

The post 2 ‘Spider-man’ sa Divisoria, huli appeared first on Abante News Online.

2 spider man sa divisoria huli - 2 ‘Spider-man’ sa Divisoria, huli
arrested 1 - 2 ‘Spider-man’ sa Divisoria, huli

LAGLAG sa puwersa ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang dala­wang lalaki na aktong nagkakabit ng iligal na linya ng kuryente o tinatawag ding pag-spider-man o pag-jumper, sa Divisoria, Maynila.

Kinilala ni SMaRT Chief P/Maj. Rosalino Ibay Jr. ang suspek na sina Amador Cabautan, 72, at Christian Garcia, 37, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7832 o Anti-Pilferage Act.

Ang mga suspek ay iprinisinta ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga mamamahayag matapos maaresto ang mga ito sa kanto ng Juan Luna St. at CM Recto Ave., Tondo dakong alas-sais kamakalawa nang gabi makaraang makatanggap ng impormas­yon ang SMaRT sa talamak na iligal na pagkakabit ng koneksyon ng kuryente sa naturang lugar.

Nakuha sa mga suspek ang mga electrical wire, screw driver at pliers na siyang ginagamit sa pag-jumper ng mga kuryente.

Pinatawad naman ng alkalde ang mga suspek makaraaang malaman na naka-survive lamang sa stroke si Cabautan, habang si Garcia naman ay napag-utusan lamang umano at tinanggap para maipantawid gutom para sa kanyang pamilya.

Hiniling naman ni Moreno sa mga vendor na gawing ligal ang kanilang koneksyon sa kuryente. (Mina ­Aquino/ Juliet de Loza-Cudia)

The post 2 ‘Spider-man’ sa Divisoria, huli appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *