2 Skyway enforcer binaril ng sinitang motorista

SUGATAN ang dalawang Skyway traffic enforcer nang barilin ng nag-iisang lalaking nakamotorsiklo dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Skyway sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

2 skyway enforcer binaril ng sinitang motorista - 2 Skyway enforcer binaril ng sinitang motorista
baril 11 - 2 Skyway enforcer binaril ng sinitang motorista

SUGATAN ang dalawang Skyway traffic enforcer nang barilin ng nag-iisang lalaking nakamotorsiklo dahil sa paglabag sa batas trapiko sa Skyway sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Nilapatan ng lunas sa Parañaque Doctor’s Hospital ang mga biktima na sina Rexie Talingdan, 30, at Ronie Delos Santos, 46, sanhi ng tinamong tig-isang tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng itim na Honda TMX motorcycle, nakasuot ng green jacket at pulang half face helmet.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-7:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Skyway expressway southbound, KM 13, Brgy. Sun Valley sa nasabing lungsod.

Abala umano si Taling­dan sa pagmamando ng trapiko sa expressway nang maispatan ang nakamotorsiklong suspek kung saan bawal sa lugar ang motorsiklo kaya tinangka niyang parahin subalit hindi siya hinintuan nito.

Dahil dito hinabol niya ang suspek at humi­ngi si Talingdan ng tulong sa kapwa enforcer na si Delos Santos sa Skyway patungong NAIA.

Nagawa namang makorner ang suspek, pero nang aarestuhin na ito ay bumunot ito ng baril saka pinaputukan ang dalawang­ biktima bago tuluyang tumakas.

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, narekober ang dalawang basyo ng caliber .9mm sa pinangyarihan ng krimen at isasailalim naman sa forensic examination. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *