2 senior high student kalaboso sa marijuana

TIKLO ang tatlong estudyante, kabilang ang isang menor de edad at pawang nasa senior high school nang maaktuhang humihit­hit ng marijuana sa loob ng Cauayan City National High School Main (CCNHSM) sa Cauayan City, Isabela noong Miyerkoles.

2 senior high student kalaboso sa marijuana - 2 senior high student kalaboso sa marijuana
ABANTE marijuana poi - 2 senior high student kalaboso sa marijuana

TIKLO ang tatlong estudyante, kabilang ang isang menor de edad at pawang nasa senior high school nang maaktuhang humihit­hit ng marijuana sa loob ng Cauayan City National High School Main (CCNHSM) sa Cauayan City, Isabela noong Miyerkoles.

Tinukoy ng pulisya ang mga nahuli na may edad 19, grade 12 student at 18 at 16, pa­wang grade 11 naman.

Nakatanggap umano ng tawag ang Caua­yan police hinggil sa mga estudyante ng CCNHSM na nagpa-pot session kaya agad itong rumesponde sa lugar.

Nakuha sa mga estudyante ang umano’y mga tinuping papel na naglalaman ng hinihinalang marijuana, isang lighter at aluminum foil na ginawang improvised na suwako.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang tatlong estudyante at sasampahan ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *