2 senatoriable allergic sa mahabang speech

kartada

DALAWANG kandidato ng administrasyon sa pagka-senador ang pasimpleng pumupuslit paalis sa entablado tuwing naglili­tanya nang mahaba si Pangulong Rod­rigo Duterte sa kanilang kampanya.

The post 2 senatoriable allergic sa mahabang speech appeared first on Abante News Online.

2 senatoriable allergic sa mahabang speech - 2 senatoriable allergic sa mahabang speech
kartada11 - 2 senatoriable allergic sa mahabang speech

DALAWANG kandidato ng administrasyon sa pagka-senador ang pasimpleng pumupuslit paalis sa entablado tuwing naglili­tanya nang mahaba si Pangulong Rod­rigo Duterte sa kanilang kampanya.

Ilang beses nang naobserbahan ng mga kasamahang kandidato ang halos sabay na pag-alis ng dalawang kandidato at kunwari ay idadahilang pupunta lamang sa comfort room pero hindi na babalik ang mga ito sa entablado.

Katwiran naman ng staff ng isa sa mga ito na napagod na kasi ang kanilang boss dahil sa maghapong pangangampanya at naghintay pa nang matagal sa pagdating ng Presidente kaya kailangan niyang magpahinga.

Bago dumating si Pangulong Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa kahit saan pa mang lugar ay nauna nang nagsalita isa -isa ang mga kandidato.

Ang Presidente ang huling magsasalita kaya minsan inaabot na ito ng hatinggabi sa haba ng litanya nito kasama na ang pagbanat sa mga kritiko ng administrasyon at sa mga kandidatong kalaban ng administras­yon.

Pintahan n’yo na. Ang dalawang kandidato ay kapwa pabor sa political dynasty. (Aileen Taliping)

The post 2 senatoriable allergic sa mahabang speech appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *