2 sekyu na kalaboso sa away, walang pampiyansa

SA presinto na nahimasmasan ang pagka-senglot ng dalawang security guard, matapos arestuhin ng mga parak, matapos magsuntukan sa loob ng isang tea house, Biyernes nang gabi sa Caloocan City.

The post 2 sekyu na kalaboso sa away, walang pampiyansa appeared first on Abante News Online.

2 sekyu na kalaboso sa away walang pampiyansa - 2 sekyu na kalaboso sa away, walang pampiyansa
ABANTE huli jail - 2 sekyu na kalaboso sa away, walang pampiyansa

SA presinto na nahimasmasan ang pagka-senglot ng dalawang security guard, matapos arestuhin ng mga parak, matapos magsuntukan sa loob ng isang tea house, Biyernes nang gabi sa Caloocan City.

Problemado ngayon sa kanilang pang-piyansa at pag-areglo sina Henry Atillano, 34, nakatira sa No. 123 Ususan St., Brgy. 28 at Ernie Garcia, 41, naninirahan sa No. 497 A. Mabini St., Brgy. 11 ng nasabing lungsod.

Inireklamo sila ni Redene L. Dayao, 27, residente ng No. 69 Caimito St., Brgy. 78, Caloocan City at may-ari ng Hide Out Tea and Coffee House.

Kuwento ni Dayao, pumasok at uminom sa loob ng tea house na nakabase sa Brgy. 78, Caimito St., Caloocan City ang mga suspek, dakong alas-10:45 nang gabi.

Makaraang ang ilang oras dala ng dami ng nainom, nagkulitan sina Atillano at Garcia hanggang sa magkasagutan.

Tumayo ang dalawa sa kinauupuan at bigla na lang nagsuntukan kung saan nabasag ang mga bote ng beer na nakapatong sa kanilang lamesa.

Dahil na rin sa gulo, naglabasan ang ibang customer sa takot, kaya naman tumawag na barangay tanod si Dayao at dinala sa presinto ang dalawang suspek.

“Nung pumasok sila (suspek), nagtatawanan pa, yun pala magbubuntalan lang dito,” ani Dayao.

Nahaharap sa kasong malicious mischief ang dalawang sekyu. (Orlan Linde)

The post 2 sekyu na kalaboso sa away, walang pampiyansa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *