2 sabungero kalaboso

Hindi na naituloy ng dalawang lalaki ang kanilang taya sa paboritong manok nang bulabugin ng pulisya ang nagaganap na tupada sa Libis Bulelak, Barangay Malanday, Marikina City, Lunes nang hapon.

2 sabungero kalaboso - 2 sabungero kalaboso
cock 2 - 2 sabungero kalaboso

Hindi na naituloy ng dalawang lalaki ang kanilang taya sa paboritong manok nang bulabugin ng pulisya ang nagaganap na tupada sa Libis Bulelak, Barangay Malanday, Marikina City, Lunes nang hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Cockfighting sina Ayson Sarco, 36-anyos at Mario Regino, 46, habang nakatakas naman sina Rustico Cassi, 55, at Sonny Giray, 46, pawang mga residente ng Marikina City.

Naganap ang insidente bandang ala-1:15 Lunes nang hapon nang makatanggap ng reklamo ang mga residente kaugnay sa nagaganap na tupadahan sa na­sabing barangay.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Marikina Police at naaktuhan ang nagaganap na sabungan at agad na dinampot ang dalawa habang mabilis na nagkalasan ang iba pang miron sa tupadahan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang panabong na manok habang ikinulong naman ang mga suspek sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *