2 pulis sugatan sa engkuwentro sa ASG

SUGATAN ang dalawan­g pulis matapos ang isang engkuwentro sa pagitan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang nag-e-escort sa mga guro sa Patikul, Sulu kahapon.

The post 2 pulis sugatan sa engkuwentro sa ASG appeared first on Abante News Online.

2 pulis sugatan sa engkuwentro sa asg - 2 pulis sugatan sa engkuwentro sa ASG
patay baril - 2 pulis sugatan sa engkuwentro sa ASG

SUGATAN ang dalawan­g pulis matapos ang isang engkuwentro sa pagitan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang nag-e-escort sa mga guro sa Patikul, Sulu kahapon.

Kinilala ang mga su­gatang pulis na sina Police Master Seargent Al-nidzfar Erajo at Patrolman Jordan Changlapon, kapwa nakatalaga sa Patikul Municipal Police Station (MPS).

Base sa inisyal na impormasyong nakarating sa Camp Crame mula sa Police Regional Office- Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM), naganap ang insidente dakong alas-8:30 nang umaga sa Brgy. Ague ng nabanggit na bayan.

Iniskortan ng mga miyembro ng Patikul MPS ang mga guro na patu­ngo ng Brgy. Taung ng nabanggit na bayan ng makaengkuwentro ng mga ito ang mga miyembro ng ASG.

Nagkaroon ng ilang minutong palitan ng pu­tok hanggang sa umatras ang mga teroristang grupo.

Sugatan sa engkuwentro ang dalawang nabanggit na pulis na agad dinala sa health center ng bayan ng Patikul habang inaalam pa kung mayroong nasawi o nasugatan sa panig ng kalaban. (Edwin Ba­lasa)

The post 2 pulis sugatan sa engkuwentro sa ASG appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *