2 preso nakapuga sa Laguna jail

2 preso nakapuga sa Laguna jail

PINAGHAHANAP na ng mga awtoridad ang dalawang preso ng Los Baños Laguna Municipal Jail na nakatakas mula sa kanilang selda kamakalawa.

The post 2 preso nakapuga sa Laguna jail appeared first on Abante News Online.

2 preso nakapuga sa laguna jail - 2 preso nakapuga sa Laguna jail
preso 1 - 2 preso nakapuga sa Laguna jail

PINAGHAHANAP na ng mga awtoridad ang dalawang preso ng Los Baños Laguna Municipal Jail na nakatakas mula sa kanilang selda kamakalawa.

Nadiskubre kahapon ng mga jail guard ang pagkawala ng mga inmate na sina Mark Robin Gira at Christopher Paco mula sa dormitory 7 ng kulungan na nasa Brgy. Timugan na hinihinalang sinamantala ang kadiliman ng gabi noong Linggo hanggang madaling-araw para tumakas.

Kinakaharap ni Gira ang kasong seduction habang si Paco ay may kasong robbery at iligal na droga.

Agad nagsagawa ng headcount sa mga inmate matapos makita ng duty na jail guard na nakabukas ang padlock ng selda.

Sa pagsisiyasat, natuklasan na puwersahan itong binuksan.

Hindi naman sumama sa pagtakas ang iba pang mga nakakulong.

Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation ang mga awtoridad para sa muling ikadarakip ng dalawa. (Ronilo Dagos)

The post 2 preso nakapuga sa Laguna jail appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *