2 Pinoy patay sa Abu Dhabi resto blast

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na dalawang Pilipino ang nasawi sa nangyaring gas explosion sa dalawang restaurant sa Abu Dhabi, United Arab Emirates nitong Lunes.

The post 2 Pinoy patay sa Abu Dhabi resto blast first appeared on Abante.

2 pinoy patay sa abu dhabi resto blast - 2 Pinoy patay sa Abu Dhabi resto blast
abante uae blast - 2 Pinoy patay sa Abu Dhabi resto blast

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na dalawang Pilipino ang nasawi sa nangyaring gas explosion sa dalawang restaurant sa Abu Dhabi, United Arab Emirates nitong Lunes.

“It is with deep sadness that the Department of Foreign Affairs, through the Philippine Embassy in Abu Dhabi, shares the latest information that two Filipinos died from the unfortunate accident yesterday caused by a gas explosion at a restaurant at Sheikh Rashid Bin Seed Road,” wika ng DFA.

Ang pagsabog sa KFC at Hardee’s restaurants noong Agosto 31 ng umaga ay naganap sa Rashid Bin Seed Road na isang pangunahing daan patungo sa airport.

Nakipag-ugnayan na si Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn Quintana sa mga pamilya ng mga yumaong Pinoy at nangako na magbibigay ng kinakailangang tulong sa mga ito.

Nakikipagtulungan na rin umano ang Embahada sa mga lokal na opisyal para makakuha ng impormasyon sa iba pang mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog.

Samantala, sinabi ng Abu Dhabi Government Media Office sa Twitter na ang pagsabog ay dahil sa “misalignment in the gas container fittings following refueling.”

Inabisuhan ni Quintana ang Filipino community sa Abu Dhabi na manatiling ligtas at alalahanin ang mga security at safety protocol doon. (Riley Cea)

The post 2 Pinoy patay sa Abu Dhabi resto blast first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *