2 Pinoy marino na-rescue; Japan Coast Guard tinigil paghahanap

Isa pang Pilipinong marino ang nailigtas mula sa lumubog na cargo ship sa Japan, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

The post 2 Pinoy marino na-rescue; Japan Coast Guard tinigil paghahanap first appeared on Abante.

2 pinoy marino na rescue japan coast guard tinigil paghahanap - 2 Pinoy marino na-rescue; Japan Coast Guard tinigil paghahanap
Gulf Livestock - 2 Pinoy marino na-rescue; Japan Coast Guard tinigil paghahanap

Isa pang Pilipinong marino ang nailigtas mula sa lumubog na cargo ship sa Japan, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

“We are in touch with the next of kin of the crew and we are providing them all the help we can give, including the latest information on the search and rescue operation for our kababayans being done by Japanese authorities,” sabi ni Bello.

Kinilala ang pangalawang Pilipino na sinagip sa lumubog na Gulf Livestock 1, na si Jay-Nel Rosales, 30, deck crew na taga-Cebu. Ayon sa ulat mula sa Philippine Overseas Labor Office sa Osaka, stable na ang kalagayan nito at nakakatayo na nang mag-isa.

Nanuna kay Rosales, nasagip din si Eduardo Sareno. Habang isa pang bangkay na pinapaniwalaang Pinoy rin ang kinikilala pa ng mga awtoridad.

Pansamantala namang sinuspende ng Japanese Coast Guard ang kanilang search and rescue operation para sa natitira pang crew member, na kinabibilangan ng 39 Pinoy.

Ito’y dahil papalapit na sa Japan ang bagyong ‘Kristine’, na may international name na Haishen.

The post 2 Pinoy marino na-rescue; Japan Coast Guard tinigil paghahanap first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *