2 Pinay gymnast humakot ng gintong medalya sa Europe

SUMIKWAT ng limang gintong medalya ang ­dalawang Filipina ­gymnast sa kanilang 3-country ­European ­campaign.

2 pinay gymnast humakot ng gintong medalya sa europe - 2 Pinay gymnast humakot ng gintong medalya sa Europe
gymnast 1 - 2 Pinay gymnast humakot ng gintong medalya sa Europe

SUMIKWAT ng limang gintong medalya ang ­dalawang Filipina ­gymnast sa kanilang 3-country ­European ­campaign.

Bahagi sila ng Philippine National Women’s Rhythmic Gymnastics Team.

Tatlong beses na iwina­gayway ng 13-anyos na si Breanna Labadan ang bandila ng Pilipinas sa ­Europe matapos makuha ang ­Junior Individual All-Around titles sa Slovakia, Hungary at Denmark.

Nagdeliber ang taga-Butuan na si Labadan ng mahusay na performance sa Liptov Cup 2019 noong Nobyembre 17 (Liptovsky, Slovakia); 2019 Magic Cup Rhythmic ­Gymnastics noong ­Nobyembre 10 sa ­Hungary at RG Friends ­Masters Gymnastics Meet noong Nobyembre 2-3 sa Denmark.

Samantala, nagdagdag ng dalawang ginto para sa Pilipinas ang ­kakampi ­nitong si Daniela Reggie dela Pisa ng Cebu.

Naiuwi niya ang Senior Individual All-Around titles sa Slovakia at Hungary.

Nakatakda ring sumalang ang 16-anyos na si Dela Pisa sa 30th Southeast Asian Games sa ­Disyembre 1-9 sa Rizal Memorial Sports Complex ­habang si Labadan ay makikipagtagisan sa ­kompetisyon sa Amerika at Hungary sa 2020. (IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *