2 pekeng doc timbog

KULONG ang dalawa katao matapos magpanggap na mga doktor sa Barangay Davila, Pasuquin, Ilocos Norte Biyernes nang umaga.

2 pekeng doc timbog - 2 pekeng doc timbog
pekeng doc - 2 pekeng doc timbog

KULONG ang dalawa katao matapos magpanggap na mga doktor sa Barangay Davila, Pasuquin, Ilocos Norte Biyernes nang umaga.

Kinilala ng Pasuquin Municipal Police Station (PMPS) ang dinakip na sina Renie Dantes, 46-anyos, at Rosalinda Gabon, 39, parehong nagbebenta ng mga herbal product, tubong Tarlac.

Ayon sa PMPS, base na rin sa testimonya ng isang 67-anyos na lalaki, pumunta ang dalawang suspek sa kanilang barangay (Barangay Davila) at kinausap ang president ng senior citizen upang magsagawa ng checkup sa kanila kung saan nasa 50 silang senior citizen na nagpa­konsulta.

Sinabi umano ng dalawang suspek na wala silang babayaran ngunit may binibenta silang mga gamot.

Lingid sa kaalaman nina Dantes at Gabon, isang registered nurse na si Shiela Keith Calapini ang nakadiskubre na mga pekeng doktor ang mga suspek.

Agad na nag-report ang nurse sa PMPS at ina­resto ang dalawa. Dito na nalaman na peke rin umano ang mga binibentang gamot ng mga impostor. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *