2 patay kay ‘Falcon’

2 patay kay ‘Falcon’

Nag-iwan ang bagyong Falcon ng dalawang nasawi sa pananalasa sa lalawigan ng Cagayan.

The post 2 patay kay ‘Falcon’ appeared first on Abante News Online.

2 patay kay falcon - 2 patay kay ‘Falcon’
cagayan 2 - 2 patay kay ‘Falcon’

Nag-iwan ang bagyong Falcon ng dalawang nasawi sa pananalasa sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Atanacio Macalan ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), parehong nalunod sa magkahiwalay na insidente ang dalawa biktima na residente ng bayan ng Abulug at Gattaran.

Sa nakalap na ulat, isang lalaki ang namatay sa bayan ng Gattaran noong Martes, tinangay umano ito nang agos sa ilog nang tangkain nitong tumawid.
Habang sa bayan naman ng Abulog isang babae ang nasawi makaraang malunod nang tumaob ang sinakyan nitong bangka.

Dagdag pa ni Macalan, ang babaeng nasawi sa pagkalunod ay nangunguha ng mga inaanod na kahoy sa ilog sakay ng bangkang de motor kasama ng isang lalaki.
Napuluputan umano ng mga plastic ang propeller ng kanilang bangka dahilan upang hindi na ito gumana hanggang sa tumaob na ang bangka at tumilapon ang dalawang sakay nito sa ilog.

Na-rescue nang buhay ang lalaki subalit patay na nang matagpuan ang babae na inanod ng ma-lakas na agos ng ilog.

Nagkaroon din ng emergency evacuation sa ilang mabababang lugar sa Cagayan Miyerkoles nang gabi pero pinabalik din ang may 27 pamilya makalipas ang ilang oras ng humupa na ang baha. (E­dwin Balasa)

The post 2 patay kay ‘Falcon’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *