2 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Quezon

Nasawi ang dalawa katao habang anim ang sugatan sa magkahiwalay na vehicular accident sa Quezon kamakalawa.

2 patay 6 sugatan sa aksidente sa quezon - 2 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Quezon
patay 2 - 2 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Quezon

Nasawi ang dalawa katao habang anim ang sugatan sa magkahiwalay na vehicular accident sa Quezon kamakalawa.

Sa Tayabas City, nasawi ang pasaherong si Ederlyn Cauyan Malate, 47-anyos, nang maaksidente ang pampasaherong jeep na sinasak­yan nito.

Nasugatan din ang apat pang sakay kabilang ang 10-taong gulang anak ng nasawi at dalawa pang sakay na estudyante.

Batay sa report ng Tayabas City police, natanggal ang unahang gulong ng jeep habang tinatahak ang provincial road sakop ng Brgy. Camaysa pasado alas-tres nang hapon.

Inararo pa nito ang kasalubong na isa ring pampasaherong jeep bago nahulog sa katabing palayan.

Agad isinugod ang mga sugatan sa Tayabas Community Hospital samantalang naaresto naman ng mga awtoridad ang driver nito na si Randy Largo Malate.

Sa bayan ng Mauban, dead-on-arrival sa ospital ang 17-anyos na si John Arthur Patingo­ Morales nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay sumalpok sa isang puno sa provincial road, Brgy. Balay-Balay alas-5:30 nang hapon.

Sugatan din ang kaangkas nito na kanyang live-in partner na si Maria Renneth Lupamia Diaz at ang isa pang angkas na si Chris Matthew Lotenero Eranista, 7 taong gulang, na parehong isinugod sa ospital sa Lucena City.

Ayon sa pulisya, nakainom ang nasawing driver nang mangyari ang aksidente. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *