2 Pakistani arestado sa pagbebenta ng droga online

Dalawang Pakistani national ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta online ng iligal na droga na naka-package bilang “sex enhancers”.

2 pakistani arestado sa pagbebenta ng droga online - 2 Pakistani arestado sa pagbebenta ng droga online
drugs huli - 2 Pakistani arestado sa pagbebenta ng droga online

Dalawang Pakistani national ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta online ng iligal na droga na naka-package bilang “sex enhancers”.

Nakilala ang mga suspek na sina Azhar at Tamoor, na naaresto sa isinagawang buy-bust operation nitong Biyernes sa Parañaque City.

Nakumpiska sa kanila ang walong heat-sealed plastic bags na naglalaman ng 12 golden carton boxes.

Ayon sa NBI, nag-ugat ang operasyon sa natanggap nilang tip na nagsasagawa umano ng pagbebenta ng iligal na droga sa may lugar sa Parañaque.

Iprinisenta na para sa inquest proceeding sa Department of Justice ang dalawang suspek dahil sa paglabag ng mga ito sa Sections 5 at 11 ng RA 9165. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *