2 opisyal ng NPA na wanted sa murder, huli ng CIDG

Dalawang lider at isang most wanted person na konektado sa communist terrorist group ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Regional Field Unit 2 sa magkahiwalay na operasyon sa Cagayan at Tuguegarao City, Martes ng gabi.

2 opisyal ng npa na wanted sa murder huli ng cidg - 2 opisyal ng NPA na wanted sa murder, huli ng CIDG
huli 2 - 2 opisyal ng NPA na wanted sa murder, huli ng CIDG

Dalawang lider at isang most wanted person na konektado sa communist terrorist group ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Regional Field Unit 2 sa magkahiwalay na operasyon sa Cagayan at Tuguegarao City, Martes ng gabi.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP-CIDG Director Police Major Gen. Amado Corpus, unang naaresto ng kanilang RFU 2 at Isabela Police kasama ang Army’s 5th Infantry Battalion sa bayan ng Gattaran sa nasabing lalawigan sina Violeta Ricardo, 55, lider ng NPA, at Cristina Garcia pasado alas-7:00 ng gabi sa bisa ng apat na warrant of arrest sa mga kasong murder at paglabag sa RA 6539.

Si Ricardo ay may patong sa ulo na P2.4 milyon at kasalukuyang Deputy Secretary-Northern Front/Finance Officer ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley habang si Garcia naman ang kanyang sekretarya.

Sumunod na naaresto ang most wanted person na si Delilah Padilla ng Southern Front, Komiteng Rehiyon, Cagayan Valley na may pabuyang P700,000 sa bisa ng apat na warrant of arrest sa mga kasong murder, direct assault with murder, frustrated homecide at robbery in band dakong alas-8:00 ng gabi ng parehong araw sa Tuguegarao City.

Isinama ring inaresto sa nasabing operasyon ang isang Carol Ballesta, 50, walang trabaho at nakatira sa Brgy. Leonarda Tuguegarao City sa kasong obstruction of justice nang tangkain nitong arborin ang suspek na si Padilla. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *