2 nadale ng baril ni chairman

KALABOSO ang isang barangay chairman matapos aksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang baril na malubhang ikinasugat ng dalawang tao sa loob ng mala­king mall sa Dagupan City, Pangasinan noong Sabado.

2 nadale ng baril ni chairman - 2 nadale ng baril ni chairman
gun pants 000006297250 - 2 nadale ng baril ni chairman

KALABOSO ang isang barangay chairman matapos aksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang baril na malubhang ikinasugat ng dalawang tao sa loob ng mala­king mall sa Dagupan City, Pangasinan noong Sabado.

Kinilala ng Dagupan City Police Station ang suspek na si Melecio Daroya Sapiera, 45, chairman ng Barangay Banaoang, Calasiao sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang nasa loob ng mall sa Dagupan City ang suspek na magbabayad ng kanyang bill sa food court nang ilabas niya ang kanyang baril.

Dito aksidenteng nakalabit ni Sapiera ang gatilyo ng kanyang baril at tinamaan ang da­lawang biktima na humingi na huwag munang kilalanin, ayon sa pulisya.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawan­g biktima para sa kanilang agarang gamutan.

Inaresto ng mga pulis si Sapiera ilang minuto pagtapos ang insidente at nahaharap sa kaukulang kaso laban sa kanya. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *