2 miyembro ng ‘highway boys’ todas sa buy-bust sa Cainta

Patay ang dalawang miyembro ng binansagang ‘highway boys’ matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation Martes nang gabi sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

2 miyembro ng highway boys todas sa buy bust sa cainta - 2 miyembro ng ‘highway boys’ todas sa buy-bust sa Cainta
patay baril - 2 miyembro ng ‘highway boys’ todas sa buy-bust sa Cainta

Patay ang dalawang miyembro ng binansagang ‘highway boys’ matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation Martes nang gabi sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Kinilala ang napatay na suspek na sina Romeo Rayoso alyas Ome, number 4 sa listahan ng Top 10 drug personalities sa lalawigan ng Rizal, at isang alyas ‘Mac-Mac’, kapwa taga-Barangay San Andres at miyembro ng ‘highway boys’, isang grupo na sangkot sa talamak na bentahan ng shabu at mga robbery holdup incident sa lalawigan ng Rizal.

Sa ulat ni Rizal Provincial Director Police Col. Renato Alba sa Camp Crame, isang buy-bust ope­ration ang isinagawa ng Cainta Police dakong alas-6:45 nang gabi laban sa dalawang suspek sa Plan­ters, Barangay San Andres ng nabatid na bayan.

Nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon dahilan upang manlaban ang mga ito at pagbabarilin ang mga pulis bago nagtangkang tumakas.

Unang nabaril ng pulisya si alyas Mac-Mac habang si Rayoso naman ay natagpuan sa isang kanal na may tama rin ng bala sa katawan. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *