2 miyembro ng drug group nalambat sa Cavite

ARESTADO ng pulisya ang dalawang hinihinalang miyembro ng Scorpion Group sa magkahiwalay na lugar sa Cavite City.

2 miyembro ng drug group nalambat sa cavite - 2 miyembro ng drug group nalambat sa Cavite
jail bars handcuffs 600 - 2 miyembro ng drug group nalambat sa Cavite

ARESTADO ng pulisya ang dalawang hinihinalang miyembro ng Scorpion Group sa magkahiwalay na lugar sa Cavite City.

Unang nadakip dakong alas-12:35 ng hapon ang target na si Leo Loyola, alyas Leo Arayata at John Roa, nang magsagawa ng buy-bust operation sa kanyang bahay sa 120 Capt. Villareal St., Brgy. 36A, Cavite City.

Nabatid na isang high value target si Loyola na miyembro ng nasabing grupo.

Nakuha sa kanya ang sachet ng shabu at marked money.

Kasunod namang inaresto sa bisa ng warrant of arrest na insiyu ni Judge Amy Ana de Villa ng branch 16, Cavite City si Klarc Dave Tamondong, 24, ng Cavite City dahil sa kasong robbery at may P100,000 inilaan na piyansa at umano’y miyembro din ng Scorpion Group.Kapwa nakakulong ang dalawa sa Cavite City Custodial Center. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *