2 mangingisda sumabit sa lambat, nalunod

TODAS ang dalawang mangingisda matapos malunod habang nangangalap ng isda sa maluwag na imbakan ng tubig sa Andarayan Dam sa Rizal, Kalinga noong Linggo nang madaling-araw.

2 mangingisda sumabit sa lambat nalunod - 2 mangingisda sumabit sa lambat, nalunod
ABANTE albay ilog lunod - 2 mangingisda sumabit sa lambat, nalunod

TODAS ang dalawang mangingisda matapos malunod habang nangangalap ng isda sa maluwag na imbakan ng tubig sa Andarayan Dam sa Rizal, Kalinga noong Linggo nang madaling-araw.

Kinilala ni Rizal Police Station (RPS) chief-of-police P/Capt. Shamerel Banag ang mga biktima na sina Marvin Cuaresma, 31-anyos, at Paul Ikit, 35, kapwa residente ng Barangay Macutay, ng nasabing bayan.

Batay sa ulat ng RPS, madaling-araw noong Linggo nang magtungo ang dalawang biktima kasama ang iba pang mangingisda sa dam na matatagpuan sa Barangay Santor upang ma­ngisda.

Ayon sa pulis, lumusong umano si Ikit at sumi­sid noong hindi na umahon si Cuaresma mula sa sampung talampakang lalim ng tubig.

Subalit hindi inaasahan, sumabit sa lambat ang mga paa ng mga biktima dahilan upang malunod ang dalawang biktima.

Nakuha ang bangkay ng mga biktima sa ilalim ng tubig bandang alas-7:30 na nang umaga. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *