2 lalaki huli sa malalakas na kalibre ng baril, bala

Arestado ang dalawa katao matapos mahulihan ng iba’t ibang malalakas na kalibre ng baril at libo-libong mga bala sa Dasmariñas City, Cavite sa isi­nagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kamakalawa.

The post 2 lalaki huli sa malalakas na kalibre ng baril, bala appeared first on Abante News Online.

2 lalaki huli sa malalakas na kalibre ng baril bala - 2 lalaki huli sa malalakas na kalibre ng baril, bala
guns 3 - 2 lalaki huli sa malalakas na kalibre ng baril, bala

Arestado ang dalawa katao matapos mahulihan ng iba’t ibang malalakas na kalibre ng baril at libo-libong mga bala sa Dasmariñas City, Cavite sa isi­nagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kamakalawa.

Kahapon ay iprinesinta sa media sa PNP-CIDG sa Camp Crame ang mga suspek na nakilalang sina Joseph de Lima, 54, at Rolly Iliw-Iliw, 39, kasama ang mga nakuhang mga baril na kinabibilangan ng tatlong caliber 5.56 rifle, isang 12 gauge shotgun, isang 9 mm pistol at tatlong kalibre .45, kasama ang may 5,700 na mga bala mula sa iba’t ibang kalibre ng baril, gayundin ang ilang mga parte ng baril.

Ayon kay CIDG National Capital Region (NCR) chief Police Lt. Colonel Arnold Thomas Ibay, nadakip ang mga suspek kamakalawa sa Precision Gunsite Inc. Compound sa Brgy. Langkaan 2, Sitio Humayao sa Dasmariñas City.

“Ang mga suspects po natin ay mga gun enthusiasts and at the same time, nagbebenta po sila ng bala kaya doon po nag-ugat,” saad ni Ibay.

“Binilhan po natin sila ng bala and at the same time sinunod na po ‘yung search warrant dito sa mga baril, ‘yung long firearms and short firearms na nakuha po sa kanila. Meron din pong firing range sila na ginagamit kaya lang expired na po so ‘yun po ang dahilang kung bakit po sinearch warrant natin ‘yung lugar,” dagdag pa ng opisyal.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya at ng militar kung saan galing ang bulto-bultong bala na nakuha sa mga suspek.

Ayon naman kay CIDG Director Major General Amador Corpus, ito ang mandato ng ahensiya para sa darating na midterm election, ang malimitahan ang election risk factor sa iba’t ibang lugar.

Sa ngayon ay nakakulong ang mga suspek sa CIDG sa Camp Crame at sinampahan na ng kasong illegal possesion of firearms and ammunitions. (Edwin Balasa)

The post 2 lalaki huli sa malalakas na kalibre ng baril, bala appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *