2 kotongero ng mga vendor sinampolan ni Isko

DALAWANG miyembro ng umano’y sindikato sa pangongotong sa mga vendor sa Maynila ang sinampulan ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos silang maaresto sa ikinasang entrapment operation habang naniningil ng P35 sa mga vendor bilang proteksyon sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila kahapon nang umaga.

The post 2 kotongero ng mga vendor sinampolan ni Isko appeared first on Abante News Online.

2 kotongero ng mga vendor sinampolan ni isko - 2 kotongero ng mga vendor sinampolan ni Isko
ABANTE isko 2 - 2 kotongero ng mga vendor sinampolan ni Isko

Ni: Mia Billones/Juliet de Loza-Cudia

DALAWANG miyembro ng umano’y sindikato sa pangongotong sa mga vendor sa Maynila ang sinampulan ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso matapos silang maaresto sa ikinasang entrapment operation habang naniningil ng P35 sa mga vendor bilang proteksyon sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila kahapon nang umaga.

Kinilala ang mga ito na sina Wilma Cortez, 48-anyos, secretary ng Bagong Maynila Development Corporation (BMDC), ng No. 378 Malvar St., Tondo, Maynila, at Jeffree So­lomon, 37, checker ng BMDC at residente ng Block 31, Lot 18, Phase 3, Golden City, Barangay Salawag, Dasmariñas, Cavite.
Nahaharap sila sa mga kasong usurpation of authority, robbery extortion at grave coercion.

Tinukoy ni Cortez ang isang ‘Puzon’, na kanilang lider o organizer na aniya ay opis­yal sa Manila City Hall ng dating administrasyon.

Sinabi naman ni Domagoso na peke ang gamit na resibo ng mga ito na aniya ay ipinagawa lang sa Recto.

Mayroon aniya silang iniisyung hawker’s permit sa mga vendor na P20 lang ang bayad at direktang napupunta sa city hall.

Nang muling tanu­ngin kung saan napupunta ang sinisingil nila sa mga vendor, nag-iba ang tono ni Cortez at sinabing ibinabayad naman nila ito sa mga nag­lilinis sa palengke.

Umamin din ito na tumatanggap siya ng P25,000 kada buwan kay Puzon bilang suweldo sa kanyang pagiging “collector”.

Samantala, sinabi ni Domagoso na labag sa kanyang kalooban na iharap sina Cortez at Solomon sa media dahil sa mararanasang kahihiyan ng kanilang mga pamilya pero kailangan umano niyang maging matigas at pairalin ang batas para sa pagbabago ng lungsod.

“Mga biktima rin kasi sila, utusan lang sila. Mabigat sa kalooban ko ito dahil nanggaling ako sa hirap, alam ko ang sitwasyong ganito pero kailangan ko itong gawin at “pakan­tahin” sila kung sino ang mga galamay at utak ng gawaing ito,” ani Domagoso.

The post 2 kotongero ng mga vendor sinampolan ni Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *