2 Koreano kulong sa pekeng pera

Himas-rehas ang dalawang Korean national nang makumpiskahan ang mga ito ng mga pekeng peso bill sa loob ng casino sa Lungsod ng Pasay kamakalawa nang gabi.

2 koreano kulong sa pekeng pera - 2 Koreano kulong sa pekeng pera
caught 1 - 2 Koreano kulong sa pekeng pera

Himas-rehas ang dalawang Korean national nang makumpiskahan ang mga ito ng mga pekeng peso bill sa loob ng casino sa Lungsod ng Pasay kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Seong Bok Min, 52-anyos, may asawa, call center manager, at Cheongyeol Yun, 49, may asawa, director ng cosmetic trade industry, kapwa residente ang dalawa sa Taguig City.

Inireklamo ang dalawa nina Donna Del Valle, 29, casino cashier, at Rommel Almoite, 35, casino treasury coordinator ng Resort Worl Manila (RWM).

Base sa ulat ng pulisya, alas-siyete nang gabi nang maganap ang insidente sa loob ng RWM.

Tinangka umano ng dalawang suspek na magpapalit ng casino chips kay Lontoc, gamit ang pekeng pera.

Nang mabatid na peke ang binigay na pera ng dalawa, agad na humingi ng tulong si Lontoc sa gaming duty officer ng casino at dinala ang mga suspek sa Villamor Police Community Precinct.

Ayon sa report, narekober kay Yun ang 11 pi­rasong pekeng P1,000 bill habang apat namang P1,000 bill ang nakumpiska kay Bok Min.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan sa Station Investigation and Detective Management Branch ang dalawang Koreano at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Pasay Prosecutor’s Office. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *