2 kawatan ng multivitamin huli

Arestado ang dalawang kawatan sa pagnanakaw ng mga multivitamin makaraang mabuking ng security guard ang kahina-hinalang kilos sa loob ng drug store, kamakalawa nang hapon, sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

2 kawatan ng multivitamin huli - 2 kawatan ng multivitamin huli
ABANTE arrested - 2 kawatan ng multivitamin huli

Arestado ang dalawang kawatan sa pagnanakaw ng mga multivitamin makaraang mabuking ng security guard ang kahina-hinalang kilos sa loob ng drug store, kamakalawa nang hapon, sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Peter Relasco, 25-anyos, salesman, at Reynaldo Lamela, 38, kapwa residente ng Marikina City.

Nahaharap sa kasong theft at resistance and disobedience upon person in authority ang dalawang suspek makaraang madiskubre ng security guard na si Bernard Gabo, ng Mercury Drug Store, na matatagpuan sa na­sabing barangay, ang kahina-hinalang kilos ng mga suspek na paikot-ikot sa loob at nakitang nagsisilid ng gamot sa kanilang bulsa dakong alas-12:30 nang tanghali.

Nang papalabas na ay agad na siniyasat at hinanapan ng resibo ng security guard ang dalawa subalit agad na tumakas kaya hinabol pa ito ni Gabo.

Nakasakay pa si Lamela sa jeepney pero nakorner ni Gabo habang nahuli naman sa follow-up operation si Relasco. Narekober mula sa kay Relasco ang isang pack ng Eveready battery na nagkakahalaga ng P135 at isang pack Mings candy, P42 habang nakuha kay Lamela ay pitong pirasong multivitamin na nagkakahalaga ng P2,177. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *