2 kawatan ng bar arestado sa Makati

arrested

HIMAS rehas ang dalawang lalaki na nagtangkang holdapon ang isan KTV bar sa Makati City, kahapon nang umaga.

The post 2 kawatan ng bar arestado sa Makati appeared first on Abante News Online.

2 kawatan ng bar arestado sa makati - 2 kawatan ng bar arestado sa Makati
arrested 0043 - 2 kawatan ng bar arestado sa Makati

HIMAS rehas ang dalawang lalaki na nagtangkang holdapon ang isan KTV bar sa Makati City, kahapon nang umaga.

Kinilala ni P/Col. Rogeilo Simon, hepe ng Pasay City Police ang dalawang nadakip na sina Jhonatan Romero, 42-anyos naninirahan sa no. 39 Tagaytay St. Caloocan City at si Jordan Nabonga, 39, tubong-San Roque Zambales.

Dakong alas-8:30 nang umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Mariko KTV Bar na matatagpuan sa no. 826 Arnaiz Avenue, Brgy. San Lorenzo, nang nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon, unang nagpanggap bilang mga kawani ng Maynilad Water ang dalawang suspek para makapasok sa loob ng na-sabing KTV Bar.

Nang makapasok ang dalawa ay nagsuot ng itim na maskara at sabay na tinutukan ng baril ang security guard na si Rolly Vien Charian at ipinosas sabay na nagdeklara ng holdap.

Nakatakbo naman sa labas ang isa pang guwardiya ng nasabing establisimyento at nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod at mga tauhan ng Makati City Police na agad rumes-ponde sa lugar.

Gayunman, agad na nakatunog ang dalawang holdaper at nagawang makatakas palabas ngunit nasundan sa loob ng San Lorenzo Village kung saan nasakote ang mga ito.

Hinala ng pulisya, posibleng inside job ang nangyaring holdap dahil alam ng mga suspek na tuwing Lunes nang umaga idinedeposito ng kahera ang kanilang buong linggong kita sa bar.

Nabigo naman ang mga suspek na buksan ang vault ng nasabing bar.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng imbestigasyon ang Makati City Police ukol sa nasabing inidente. (Armida Rico)

The post 2 kawatan ng bar arestado sa Makati appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *