2 karnaper todas sa Nueva Ecija

NABAWI ng pulisya ang baril, granada, shabu at kinarnap na tricycle mula sa dalawang suspek na napatay sa engkuwentro sa Purok 6, Barangay Mamandil, Talavera, Nueva Ecija kamakalawa.

The post 2 karnaper todas sa Nueva Ecija appeared first on Abante News Online.

2 karnaper todas sa nueva ecija - 2 karnaper todas sa Nueva Ecija
dead 5 - 2 karnaper todas sa Nueva Ecija

NABAWI ng pulisya ang baril, granada, shabu at kinarnap na tricycle mula sa dalawang suspek na napatay sa engkuwentro sa Purok 6, Barangay Mamandil, Talavera, Nueva Ecija kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga napaslang na sina J­onald Guinto B­ondoc, 19-a­nyos, at Rodney Raymundo Santos, 22, kapwa residente ng Brgy. La Purisima, Aliaga, Nueva Ecija.

Una rito, dakong alas-4:30 nang madaling-araw nang harangin ng mga suspek sa Brgy. Sampaloc sina Juanito Rodriguez Santos, 59, tricycle d­river at Evelyn Romero-Moraleda, 62, kapwa residente ng Brgy. Gulod, Talavera, habang patungo sa Talave-ra Public Market.

Tinangay ng mga armadong salarin ang tricycle, bag ni Moraleda na naglalaman ng P10,000.00, isang gold necklace at ATM card.

Kaagad nakapagsumbong sa pulisya ang mga biktima sa pulisya na rumesponde pero nauwi sa engkwentro na ikinasawi ng mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre .40 pistol, isang granada at apat na sachet ng shabu. (Jojo De Guzman)

The post 2 karnaper todas sa Nueva Ecija appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *